Martes, Mayo 15, 2018

I-Crazy

credits: vince lin
Ayokong ako ang lumimot at umiwas. Dahil alam na ako rin ang magsisi sa bandang huli. Ayaw ko ring lumipad ang oras at masayang lang ang lahat. Ngunit saan ako pupunta mula rito sa kinatatayuan?. At kung ano't saan ang takbo ng hangin sa tuwing wala ka ay hindi rin maaaring sa akin pa malaman.

Hindi na tayo kailanman magiging malaya. Ni' hindi ko nga alam kung ito rin ba ang gugustuhin mo. Na parang itinali ko ang sarili sa kaniya para lang magkaroon ng pagkakataong ika'y makasama. Sana ang pangungusap ng 'yong mata'y nagsasabing maghintay lang ako. Hanggang sa ikaw na lang ang hindi nagiisip na ako'y sira-ulo.

Hindi ko kayang itula kung gano kalaki ang itinatagong puso. At kung papaanong titimbangin ang pag-ibig na dumadaloy at nananalaytay na dugo. Malapit ko na ring sukuan ang kahumalingan ko sa pagpaparaya. Sa likod ng mga kasinungalingang sinangayunan ay alam kong ako nga ang mas tunay na nagmamahal.

Ngunit sa kabila ng lahat, takot pa rin akong malaman kung saan ba ako dadalahin nitong aking kahibangan?


~~ o ~~



Iyo bang naibigan kaibigan? Share mo na! :)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

GAANO KATAMIS ANG YEMA @LOVERADIO

SBA

KWENTISTA BLOG @FACEBOOK


TATLONG NAHAL'WAT NGAYONG LINGGO

SUBAYBAYAN ANG KWENTISTA BLOG


All rights reserved Kwentista Blog


for concerns mail @ aldrinespiritu29@gmail.com

DO NOT COPY!

Protected by Copyscape Plagiarism Finder

This Blog is best viewed on Google Chrome.

Blog Widget by LinkWithin