Lunes, Mayo 28, 2018

Gabukan

credits: english 1010/1020
Nais kitang gawan ng liham ngunit alam na ito'y liliparin lamang
Nais kong ipaalam ngunit alam na puso ko'y masasawi rin lang naman

Nais sabihing mahal ka ngunit alam na puso mo'y may tinatahan
Nais subukan ngunit alam na ako'y hindi rin mapagbibigyan

Nais na sanang umiwas ngunit alam na iyong paghihinalaan
Nais nang isiwalat ngunit baka masira ang pagiging magkaibigan

Nais isumpa ang aking sarili sa'king kahibangan
Nais ipaalam ikaw lang ang siyang kinahuhumalingan

Nais paigtingin ngunit tanggap nang sukdulan ay ang pagiging kaibigan
Nais ipaalam ano mang oras ay maaari mo akong taguan, takbuhan, at iyakan

Nais lang ipabatid, ano mang oras ay maaari mo akong gawing iyong tahanan


~~ o ~~


posted from Bloggeroid

Iyo bang naibigan kaibigan? Share mo na! :)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

GAANO KATAMIS ANG YEMA @LOVERADIO

SBA

KWENTISTA BLOG @FACEBOOK


TATLONG NAHAL'WAT NGAYONG LINGGO

SUBAYBAYAN ANG KWENTISTA BLOG


All rights reserved Kwentista Blog


for concerns mail @ aldrinespiritu29@gmail.com

DO NOT COPY!

Protected by Copyscape Plagiarism Finder

This Blog is best viewed on Google Chrome.

Blog Widget by LinkWithin