Tuesday, December 19, 2017

Entrapped Lover

credits: roozbeh feiz
Hindi mapigilan ang nararamdaman. Alam na gusto ka ngunit takot ilapit, ang puso ko'y ihakbang. Sisilipin ka mula sayo'ng kinatatayuan at iyon ay sapat na. Kahit sarili ko'y 'di mapagbigyan dahil alam na 'di tayo bagay.

Nagwawala na ang aking damdamin makita ka lamang. Suko ako sa mga ngiti mo kahit pa madalas mong gawin na hindi ako ang kaharap. Sa Diyos ay matagal na kitang hiniling. Ngayong alam kong ikaw na. Pagsubok lang ba niya sa akin na lahat sila ay sa iyo rin nakatingin?

Kaunting lapit ko sa'yo ay aapaw na sa akin ang pag-ibig. Ang malamang hindi ka lumiban, magkakapit ng ngiti sa akin hanggang uwian. Matagal ko na sigurong hindi kinaya ang trabaho kung wala ka.

Mananatiling nakangiti kahit hanggang tingin. Mananatiling lihim na umiibig. Mananatiling ikaw ang hiling. At mananatiling umaasa sa pagkakataong Diyos lang ang nakakaalam kung darating pa ba.


~~ o ~~


posted from Bloggeroid

Iyo bang naibigan kaibigan? Share mo na! :)

No comments:

Post a Comment


All rights reserved Kwentista Blog


for concerns mail @ aldrinespiritu29@gmail.com

DO NOT COPY!

Protected by Copyscape Plagiarism Finder

This Blog is best viewed on Google Chrome.

Blog Widget by LinkWithin