Miyerkules, Setyembre 23, 2015

Bangon na Juan!

credits: chuacharlene
Bumangon ka Juan
Ang higaan mo'y iwan
Diwa ay buksan

Bagong umaga
Sa'yo ay naghihintay
Hamunin siya

Katawang pagod
Kung para sa pamilya
Handang isabak

Bilang sukli mo
Sa edukasyong handog
Sinikap nila

Buhay' iangat
Sariling pagnanais
Limutin muna

Pintua'y buksan
Bagtasing bagong araw
Dala'y pagasa

Bawat mong alis
Ang dulot man ay pagod
Tungo'y ginhawa


posted from Bloggeroid

Iyo bang naibigan kaibigan? Share mo na! :)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento


All rights reserved Kwentista Blog


for concerns mail @ aldrinespiritu29@gmail.com

DO NOT COPY!

Protected by Copyscape Plagiarism Finder

This Blog is best viewed on Google Chrome.

Blog Widget by LinkWithin