Miyerkules, Agosto 12, 2015

Saro 2


credits: lester mirabueno
Tulad ng inasahan ay doon ka nga dumaan at agad mo akong natanaw. Walang maitutulad sayo'ng kagandahan kaya sana'y alisin na ang pangamba't takot sa iyong mukha. Huwag kang magalala, ito na ang huling pagkakataong sarili ko'y sasaktan.

Isuot na sanang muli ang saya sa iyong mukha. Sayang naidudulot ng pagiisip na natanggap ko na ring ang pamamagitan natin na'y nagwakas. Maging masaya na lang para sa akin, dahil katotohanan ay kaya nang harapin. Nandito lang ako, makikinig, magaabang. Dala lang ay pagasang alam kong matagal mo nang sinukuan.


Ngiti ang isinukli ko sa nagtatanong mong mga mata. Kung kaya bahagyang binigyan mo rin ng ngiti at buong loob nang hinarap ang pintuan. Kasabay ng paglaya ng ating mga damdamin ay nagliparan ang isang grupo ng mga ibon, kung nakikita mo lang rin sana mula sa 'king kinatatayuan, tila pinababatid nilang naayon sa tadhana ang mga desisyon na ating ginagawa.

Hindi ko namalayan, sila pala'y nagaklasan dahil pala sa pagbatingaw ng kampana. Hindi ko na namalayan malayo na pala ang nalakad mo patungo sa altar. Paalam, kailangan ko na ring umalis, hanggang doon na lang ang kaya kong matiis.


~~ o ~~

posted from Bloggeroid

Iyo bang naibigan kaibigan? Share mo na! :)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento


All rights reserved Kwentista Blog


for concerns mail @ aldrinespiritu29@gmail.com

DO NOT COPY!

Protected by Copyscape Plagiarism Finder

This Blog is best viewed on Google Chrome.

Blog Widget by LinkWithin