Lunes, Hulyo 6, 2015

Dear Lieza, Bagyo Ka Ba?


credits: shashank rawat
Nakasakay na ako ng bus noong dumating ka,
Nagawa ko na lang ay tanawin ka mula sa bintana.
Ramdam ko ang bigat at galit sa iyong mata
Hindi ko naman talaga alam na darating ka,
Nakapaghanda sana't 'di na kailangan magdahilan pa.

Maaring sa ngayon ay tahimik pa,
Ngunit alam kong sa ilang mga sandali pa
Mga mapagmataas na alon ay hahampas na,
Magliliparang mga panunumbat at hinala
Hindi malaman-laman kung saan nagmumula.

Nasasanay na yata ako sa ganito Lieza,
Matagal na hindi ka magpaparamdam
Ngunit sa pagbabalik ay delubyo ang 'yong dala.
'Sabi mo, pinagdaanan mo'y marami na.
Dahilan din marahil, kung bakit sa'yo ngayo'y takot na sila.

Alam mo bang mahal na mahal kita?
Matagal kong hinintay ang pagdating mo sa'king buhay.
Matagal umasang isang araw, maambunan din ng pagmamahal.
Hindi inasaan. Habangbuhay na lamig ang sayo'y mararanasan.
Ikaw pala mismo ang pilit magtatago ng liwanag sa aking buhay.

Tanggap ko naman ang ating katayuan,
Kahit pa paambon-ambon lang ang pagkakataong tayo'y magkasama,
Kahit pa patak-patak lang ang oras na kayang ilaan,
Kahit pa tila araw-araw tag-ulan sa lamig ng pagsusuyuan.
Buhay pa rin ang dala mo sa 'sang tulad kong uhaw sa pagmamahal.

Huwag kang magalala, mahal pa rin kita.
Sabay tayong aahon sa mataas na tubig na pilit naglubog sa atin.
Hindi hahayaang itaboy ako sayo'ng papalayo ng malakas na hangin.
Matatapos din ito, at muling sisilip ang ngiti sa iyong mukha.
Magiging tahimik, mapayapa, at gagawa tayo ng bagong simula.

Sasalubungin, yayakapin,
At mamahalin pa rin kita sa muling nating pagkikita.

Dahil tanggap kita sa kung ano ka
At sa kung ano'ng dala mo sa aking buhay.

Tanggap kita sa kung ano ka Lieza
Dahil mahina pa rin ako ngayon kung wala ka


~~ o ~~



Iyo bang naibigan kaibigan? Share mo na! :)

4 (na) komento:

  1. Ayos sa title kaibigan parang pick-up lines ☺

    TumugonBurahin
  2. ganyan nga kaibigan, bahagyang kumokorni ako sa tuwing may kalamidad ^__^

    TumugonBurahin
  3. Bagyong Rhea! Kung bagyo sya, tanggap mo nga kahit ano sya. Wala naman tayong choice kundi mag-adjust para sa bagyo. Matutunang mahalin? ganun.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Tama. tanggap na Senyor hehe. Palalo na kung may isang Rhea tlgang dadaan lang para magiwan ng masakit na alaala.

      Burahin


All rights reserved Kwentista Blog


for concerns mail @ aldrinespiritu29@gmail.com

DO NOT COPY!

Protected by Copyscape Plagiarism Finder

This Blog is best viewed on Google Chrome.

Blog Widget by LinkWithin