Huwebes, Enero 22, 2015

Bukong


credits: brenda grant artwork

Sumama ka sa'kin
Magpagpapaikut-ikot sa kalayaan
Maglalaro sa kawalan

Walang ibang didinggin
Sigaw lang ng bilanggong damdamin
At pusong tila napagod na rin
Sa bintana'y damhin ang hangin
Mga problema'y hayaang tangayin
Bawat segundo'y sulitin

Plano kong 'di alam kung saan ako maaaring da'lhin
Wala nang paningin kaya nagulat ka rin
Sa pagbaba ang natapaka'y buhangin

Maaring nakalimutan mo na rin
Dahil sa dami ng pinagdaanan natin
Planong pagiisang dibdib natin

Sa lugar kung saan nagsimula ang lahat sa'tin
Nakaluhod sa'yong harap umaasang dinggin
Kahit ilang beses pang uli't-ulitin

Ika'y mahal pa rin
At ang hindi magbabagong ko sa'yong pagtingin
Handang lahat ay tanggapin


~~ o ~~



Iyo bang naibigan kaibigan? Share mo na! :)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento


All rights reserved Kwentista Blog


for concerns mail @ aldrinespiritu29@gmail.com

DO NOT COPY!

Protected by Copyscape Plagiarism Finder

This Blog is best viewed on Google Chrome.

Blog Widget by LinkWithin