Huwebes, Enero 8, 2015

Ating Langit


credits: hataw tabloid

Isang gabing matahimik,
Sa ilalim ng buwan, ika'y kapiling
Ilaw n'yang sa ilog ay lalo pang pang akit,
Bawat ngiti mong saan ma'y 'di ipagpapalit

Nakailang tampisaw ma'y 'di naglahong init
Kung bawat tingin mo pa'y nangaakit
Mga pusong hinintay ay 'di birong saglit
Mga pusong sa kay tagal nang nananabik

Tila mga batang mula,
Pinunan ang araw ng ligaya at ngiti,
Lahat upang mawala lamang sa isip,
Sa pagpapaalam ay muli tayong nalalapit

Takot at lungkot sa bawat pagalis,
Pagbalik ay papawiin ng masasayang sandali
Mga pangakong sa kamay ay hawak na mahigpit
Darating ang araw, langit natin ay makakamit



Iyo bang naibigan kaibigan? Share mo na! :)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento


All rights reserved Kwentista Blog


for concerns mail @ aldrinespiritu29@gmail.com

DO NOT COPY!

Protected by Copyscape Plagiarism Finder

This Blog is best viewed on Google Chrome.

Blog Widget by LinkWithin