Miyerkules, Hunyo 11, 2014

Sakayan


credits: dhanan
Wala na nga ang dating pagtingin, o' di kaya'y kahit kailan ay dehins namang ako'y nagkaroon ng malaking puwang sa iyong puso. Oo nga't may dating na extra pogi points at level factor ang malaman ng iba na ang 'sang tulad mo ay minsang pumatol sa akin, pero para saan? Hindi ko rin maintindihan, ang pag-ibig nga ba sa isang tao'y pagbuo ng mga alaala o' pagsubok kung kayo nga ba ang para sa isa't-isa. Mabuti pa nga kung nasa A or B ang sagot kung ikaw ang tatanungin. Alam ko naman at tanggap ko 'yon, na naging walang kapagurang kamay lang ako sa boring at napakabagal mong orasan.

Ilang buwan lang ba ang lumipas? Inaamin kong palalo ka pang gumanda ngayon, at kahit sa kalayuan, maididikta sa walang humpay mong pagngiti ang lubos na kaligayahan, kaya naman masaya rin ako para sa iyo. Bumati ka pa ng pagkaway at pagngiti kay Ria habang siya ay papalapit sa akin. Napangiti na lang rin ako ng mapabaling ang ngiti mo sa akin. Hindi ko agad na nalaman ngunit salamat, salamat dahil ikaw pa mismo ang gumawa ng paraan upang mas mapalapit kami sa isa't-isa. Patawad kung naging judgemental ako at super nega sa atin. Totoo ngang hindi sapat ang maikling panahon ng pagsasama, at ang mga bulungan sa canteen upang makilala ng lubusan ang isang tao. Itinuran mo sa akin na ang tunay na pag-ibig ay ang paghahangad sa kaligayahan ng isa't-isa, patawad ang sa akin kung bigo akong mabigay 'yon sa iyo. Hangad ko rin ang kaligayahan mo.



Iyo bang naibigan kaibigan? Share mo na! :)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento


All rights reserved Kwentista Blog


for concerns mail @ aldrinespiritu29@gmail.com

DO NOT COPY!

Protected by Copyscape Plagiarism Finder

This Blog is best viewed on Google Chrome.

Blog Widget by LinkWithin