Huwebes, Enero 9, 2014

Kay Nena na Namumuhay Magisa


credits: artistiko design
Sa oras na inakala mong nilimot na kita, nilalabanan ko ang pangungulila at pagkasabik na muli kang makasama. Sa oras na maisip mong bigyang lugar ang pagmamahal ko sa iyong puso, ako'y malayo't nakaluwas na.

Hindi panghihinayang ang mga araw na ginugol upang pag-ibig mo'y makamtan. Hindi ako ang sisira sa mga ambisyon at pangarap ng isang tulad mong sa mga magulang ay naulila, at ang mundo'y unti-unti pa lamang nakilala.

Tama ka kung sasabihin mong desisyon mo'y aking pinapangunahan. Tama ka kung sasabihin mong tayo'y nasa tamang edad na naman. Ngunit mali ka kung inakala mong hanggang d'yan ka na lang sa 'yong katayuan.

Maganda ka, mabait, at may angking katalinuhan. Nagkakamali ka kung inisip mong isang tulad ko ang babago sa iyong buhay. Hawak mo ang susi sa iyong kamay, simulan mo ang lakbay, hangad ko ang iyong tagumpay. Hanggang sa muling pagkikita.



Nagmamahal, Pogi Problems Fan



Iyo bang naibigan kaibigan? Share mo na! :)

2 komento:


All rights reserved Kwentista Blog


for concerns mail @ aldrinespiritu29@gmail.com

DO NOT COPY!

Protected by Copyscape Plagiarism Finder

This Blog is best viewed on Google Chrome.

Blog Widget by LinkWithin