Sabado, Nobyembre 2, 2013

Nilimot Nga Ba Kita?



Hindi naman kita nilimot
Hindi kita iniwan
Hindi kita tinalikuran
Ikaw pa rin ang aking kaligayahan

May mga oras sa ating buhay
Kung saan sarili ay hahanapin sa iba

Ibang gawain
Ibang mga makikilala
Ibang lugar
Ibang mapagkakaabalahan

Tatanungin ko rin sa aking sarili
Kailan kita babalikan?

Sabi ko noon ikaw ang aking himlayan
Ikaw ang aking pahinga
Ikaw ang nagbibigay kulay sa mga maliliit na bagay
Ikaw ang nagpapakita ng kahalagahan ng lahat

Ikaw ang mata ko tuwing akoy nakahimbing
Tuwing isip ay naglalakbay
Kahit pa mundo ko minsa'y nagdidilim
Tutulungan mo akong alisin ang lungkot at galit sa damdamin

Sabi ko noon
Pagasusulat ang aking pahinga at libangan
Una kong pag-ibig at takbuhan

Nilimot nga ba kita?
O nilamon lang ako ng aking katamaran?


posted from Bloggeroid



Iyo bang naibigan kaibigan? Share mo na! :)

2 komento:

  1. Palagay ko, tinatamad ka lang :) sulat lang ng sulat!

    TumugonBurahin
  2. salamat sa pagbisita kuya mar. susubukan ko po sa abot ng aking makakaya. ^__^

    TumugonBurahin


All rights reserved Kwentista Blog


for concerns mail @ aldrinespiritu29@gmail.com

DO NOT COPY!

Protected by Copyscape Plagiarism Finder

This Blog is best viewed on Google Chrome.

Blog Widget by LinkWithin