Miyerkules, Agosto 8, 2012

Tayo Na Pala



"Tayo na pala?" Naalala ko lang, ganun kasi kabilis naging tayo. totoo naman kasi ang sinabi kong hindi ako marunong manligaw, ayaw mo naman kasing maniwala kaya muntik nang mawala ang m.u na namamagitan sa atin dalawang natututo pa lamang magmahal.

"Gusto mo ba talaga ako?"

"Nuh kba!? Ou syempre."

"Edi tayo na."

Ganon lang kabilis mong pinasuot sa akin ang ngiti ni Ronald McDonalds. Abot magkabilang tenga ang ngiti at walang katumbas na kaligayahan ang nadama.

Mabilis lang. Pero hindi ko pa napaalam sa'yo kung gaano katagal na kitang pinapangarap. Ganon lang kasi ang pagkakakilala ko sa sarili, hanggang pangarap lang. Kaya nga ganon nalang ang kaligayahan ko nang maging tayo na.

Matagal na panahon rin ang lumipas mula noon. Hanggang ngayon ipinagpapasalamat ko parin na minsan mo akong hinayaang mahalin ka. Mahiwaga dahil katulad ko ngiti rin ang sayo'y nakita ngayong sabay nating inalala ang ating nakaraan.

Inaamin ko naman na mahina ako sa pagpapakita kung gaano kita kamahal. Pero sa maniwala ka't hindi, hindi ako tumigil at totoo ang naramdaman kong pagmamahal sa'yo. Kung may dapat akong pagsisihan 'yon ay ang pinakawalan ko pa ang isang ikaw.

Ganito talaga siguro, may darating, at may magpapaalam. May makikilala, at may mawawala. Hanggang doon nalang talaga siguro, kahit alam kong mahal parin kita hindi ang pagiging maka-sarili ang ipapairal. Alam kong mas marami pang bagay ang magpapaligaya sa'yo, masaya narin akong malaman na masaya ka. 'Yun naman ang importante, hanapin ang ikaliligaya.

"Anong oras na?"

Hindi tugon sa tanong ko ang ginawa mong pagyakap sa akin. Naramdaman ko ang kaluwagan at kagaangan ng loob sa mga sandaling 'yon. Inabot mo pa nga ang aking pisngi. "Walang iyakan ha?" Biro ko na nagpangiti sa'yo, sa atin dalawa na tila gusto nang lumuha noong gabing 'yon. Gabi na nagpalaya sa ating mga puso.

Mabilis lang, mabilis lang ang paglakad ng panahon. Mabilis rin ang oras, tila kulang ang mga minuto't segundo para sa ating dalawa. Kahit matapos man natin ang gabi hindi 'yon sasapat para sa ating dalawa.

"Magkikita pa naman tayo bukas 'diba?"

"Tayo na pala. Ihahatid na kita, ayokong hindi mabuhat nanaman ang eyebags mo pagdating ng bukas. Hindi man ako ang nagaantay sa altar, gusto kong makita ang buong kagandahan mo sa pagpasok mo sa simbahan."


Iyo bang naibigan kaibigan? Share mo na! :)

2 komento:

  1. Hello!

    We have received your blog registration. We're just waiting for BNP to be linked in your blog. Kindly let us know once done so we may already add your blog to our listings.

    Thank you,
    BNP
    blogsngpinoy.com

    TumugonBurahin


All rights reserved Kwentista Blog


for concerns mail @ aldrinespiritu29@gmail.com

DO NOT COPY!

Protected by Copyscape Plagiarism Finder

This Blog is best viewed on Google Chrome.

Blog Widget by LinkWithin