Lunes, Agosto 27, 2012

Kwento sa Looban



( Warning: The story contains violence on its context. Rated 18, and parental guidance is advisable )

"Ano tol, bukas nalang?"

"Hindi, anong bukas? Ngayon tayo magcecelebrate."

"Tapos na nga ang celebration eh, hindi ba kita nalasing?"

"Hindi, gusto pa kitang makasama, magsasaya tayo! Bukas eh sisimulan mo na ang buhay may asawa kaya ngayon tayo magsasaya."

Hindi ako non nakatanggi sa aking kaibigan. Kahit pa sobrang sabik ko na na makasama si misis na pinakasalan ko mga kalahating araw pa lamang ang lumipas non at naghihintay na sa akin sa loob ng bahay. Ang paalam kong pagaasikaso sa aming mga bisita ay inabot na ng magdamagan, hindi na nga siya lumabas malamang ay galit na siya.

Mabuti at mukhang lasing na itong si Lennard konting tiis nalang sabi ko sa sarili at nagpabili pa ng isang round ng alak para lamang sa aming dalawa, pag hindi pa nakuntento ito ay ewan ko pa.

Nalula ako non sa alak, halos maduwal pa ako ng buksan namin at simulan iyong pagsaluhan, ngunit ipinagpatuloy namin ang tagay, hanggang sa dalawa kamaing nakayuko na sa mesa at hindi maaming suko na sa inuming alak. Tahimik na pinatay ko na ang sounds kanina pa dahil baka magalit na ang mga kapitbahaym walang isang imik na rin si Lennard halatang lasing at malamang ay nakatulog na siya. Ganon rin ang nangyari sa akin, hindi ko na namanalayang nakatulog ako sa kalasingan, namulat nalang ako nang madaling araw at wala roon ang aking kaibigan.

Suray-suray at halos madapa sa bawat hakbang, hilo at masakit pa ang aking ulo, una kong hinakbang para puntahan ang aking asawa, sa pagpasok palang ay hindi na ako naka galaw sa aking nakita, umiiyak siya at takot ang nakapalibot sa buo niyang katawan, yapos niya ang sarili dahil sa naging punit-punit na kasuotan.

Non palang ay alam ko na ang nangyari, malaking galit ang nanaig sa akin, sigaw ako ng sigaw kahit hindi pa man ako nakakalapit sa kaniya. Nawala ako ng tuluyan sa aking sarili, hindi ko maintindihan, "Bakit" paulit-ulit kong sigaw sa kaniya, hindi ko napigilan ang aking sarili, dahil sa galit wala na siyang buhay nang mapagtanto kong mali ang ginagawa kong pagbubuntot sa kaniya, puno ng dugo ang aking kamay, dugo ng sarili kong asawa, pagiyak at pagsigaw nalang ang nagawa ko, bakit? Bakit nangyari ito? Awang-awa ako para sa aking sarili, hindi lubos na maisip na humantong rito ang mga pangyayari.

May araw na non tinungo ko si Lernnard mismo sa tinutuluyan niya, wala akong sinayang na oras kahit pinagtitinginan ng mga tao ay tinakbo ko ang lugar niya. Gulat siya sa pagpasok ko ng pintuan, halatang takot at alam ang kaniyang kasalanan.

"Hayup ka! Taksil kang kaibigan!" at doon ko na rin natapos ang buhay niya gamit ang bakal na nadampot hindi ko ipinagdalawang isip na patayin siya, hindi ko na pinakinggan ang gusto pang sabihin niya, inakala kong kaibigan ko siya ngunit sa huli ay lumabas rin ang tunay na kulay niya.

Matagal na panahon na ngunit 'di ko alam kung makakabalik pa ako sa lugar na 'yon, bulungan sa labas ang karumaldumal kong ginawa. Kung makaka alis man ako dito ay magpapaka layu-layo na ako't lalagay sa matahimik, pupunta ako ng probinsya at doon hahanap ng apat na haliging matutuluyan. Mali ako, mali ang nagawa ko kay Denise, siyang sarili kong asawa, hindi ko naisip agad na wala naman siyang kasalanan, napagsamantalahan lamang siya. Ngunit ang pagpatay kay Lennard ay isang bagay na hindi ko pinagsisisihan.


______________________________


Naputol ang aking pagkukwento sa aking mga kasama nang tumunog ang bakal na para bang mayroon ditong ihinampas na matigas ring bagay. Naiingayan na siguro sila. Itutuloy ko pa sana ang aking sasabihin..

"Tama na ang drama at huwag ka nang umasang makakalabas pa!" Bulalas na salita ng mayores sa loob ng apat na haligi na kasalukuyan kong tinutuluyan.


Iyo bang naibigan kaibigan? Share mo na! :)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento


All rights reserved Kwentista Blog


for concerns mail @ aldrinespiritu29@gmail.com

DO NOT COPY!

Protected by Copyscape Plagiarism Finder

This Blog is best viewed on Google Chrome.

Blog Widget by LinkWithin