Martes, Agosto 21, 2012

Apoy na Sumiklab



Nais ko lamang na mabalikan
Naging dahilan at naging daan
Paano kaming dalawa'y nagkakilala
At sa isa't-isa kami ay humanga 

Sabi nila, sabi ng ilan
Pagtula daw ang maiging pamamaraan
Kaya heto ngayo't aking naisulat
Tula na maglalarawan sa nararamdaman

Walang 'wentang tula emo nanaman
Sabihin man nila wala akong pakialam
Tangi ko na lamang pinanghahawakan
Pag dating sa kaniya, ako'y maiintindihan

Paano nga ba kami'y nagkakilala?
Mabilis na parang kisapmata lamang
Tula pa niya ang nagsilbing daan
Nagkamabutihan este nagkakilanlan

Mayroong apoy na sumiklab
Talaga? Hindi nga? Saan?
Dito sa loob ko inyo pang tignan
Tali na s'yang nagdutong sa bagong kaibigan

Mali ba ang ibigin, este hangaan
Kapwa ko manunula at makata
Kung iisipin nga kung hindi dahil sa kaniya
Hindi ko naisulat itong aking tula

~~ o ~~

Ang tulang ito ay hiniling ng isang kaibigan


Iyo bang naibigan kaibigan? Share mo na! :)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento


All rights reserved Kwentista Blog


for concerns mail @ aldrinespiritu29@gmail.com

DO NOT COPY!

Protected by Copyscape Plagiarism Finder

This Blog is best viewed on Google Chrome.

Blog Widget by LinkWithin