Linggo, Hulyo 22, 2012

Matayog na Pangarap



Matayog na pangarap nagdala sa ibabaw
Panaginip na akala'y 'di makakamit kailanman
Napasakamay nang lahat at nahawakan
Lahat sa mata'y naging makatotohanan

Matayog na pangarap
Naging gabay sa pagsusumikap
Ginawa ang lahat upang maka angat
Makalaya sa buhay na mahirap

Maraming pagsubok ang naganap
Hindi natinag 'di nagpaawat
Paakyat ang hakbang kaya mabigat
Huling hakbang sa tuktok rin itinapak

Mahirap ang makipagsapalaran
Hindi birong pagkatao ay matapakan
Napagtagumpayan at nalampasan
Hindi na kailangan muli mangibang bansa

Hindi na problema ang pera
Hindi pansin pala'y nasusunog na
Yaman lahat ay naririto na
Hindi nalamang paubos na pala

Hindi nagawang ingatan
Nasilaw sa mga bawat kinang
Nasayang mga pinagkahirapan
Butong tinanim, punong nakakalbo na

Nasanay sa minsang naging buhay
Hinahanap naglahong karangyaan
Nagsisisi sa mga naging hakbang
Sana pala ay dinahan-dahan

Balik sa normal ang buhay
Tulad ng dati kakain gamit ang kamay
May kutsara namang naghihintay lamang
Nais lang balikan ang dating nakasanayan

Naubos lahat ng kayamanan
Naisangla muli mga ari-arian
Pagiging hirap at mahirap
Estado ng buhay na binalikan

Matayog na pangarap
Minsang nagdala sa kataas-taasan
Matayog na pangarap
Minsang nahawakan, di pansing nabitawan

Matayog na pangarap
Dala kong muli sa itatakbo pa ng buhay
Matayog na pangarap
Aral na dala sa muli kong paglipad


Iyo bang naibigan kaibigan? Share mo na! :)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento


All rights reserved Kwentista Blog


for concerns mail @ aldrinespiritu29@gmail.com

DO NOT COPY!

Protected by Copyscape Plagiarism Finder

This Blog is best viewed on Google Chrome.

Blog Widget by LinkWithin