Linggo, Nobyembre 6, 2011

Gitara



Una kong makita si April hanga na ako sa kagandahan niya nauubos ang oras ko sa pag-tuktok ng bolpen sa armchair habang iniisip kung paano ako mapapalapit sa kanya. Bakit kasi lahat ng kaibigan ko alam na nila pero mismong siya no idea parin sa nararamdaman ko.

Siguro nga mas maayos na ganon nalang natatakot kasi akong malaman ang magiging reaksyon niya. Nagugulugan na ako alam ko naman kasi dapat kong sabihin sa kaniya kung sa bagay wala namang mawawala kung susubukan sabi nga nila "nobody wins without once trying." Hindi ako torpe naghihintay lang ako ng mas magandang pagkakataon dito kasi hindi applicable ang "Try to propose again" ng The Sims Hot Date kaya nga ayokong gumamit ng cheats doon pruweba lang na hindi ako marunong dumiskarte kasalanan ko bang mangarap ng magandang buhay?.

Narito ang barkada ko na handang tumulong at damayan ako hindi ko naman magamit ang ang mga payo nilang pang Mr. Suave da moves yung tipong alam mong gusto ka ng babae kaya madali lang ang proseso. Araw-araw nalang nakatitig ako sa nakatalikod na si April at matatapos ang araw na wala akong ginawang hakbang para mapalapit sa kanya. Dapat ko bang sisihin ang pagka-basted ko sa huli kong niligawan? Actually hindi ko pa siya niligawan nagpakita ako ng motibo na gusto ko siya nagising nalang ako na iwas na siya sakin at ayaw akong makausap. Ngayon kailangan kong magpaka ayos para naman gumanda ang image ko kay April hindi muna ako sasama sa mga goons kong kaklase kahit mahirap tiisin na tanggalin muna ang bisyo kakayanin ko naman ang anim na oras sa isang araw sampung oras kung whole day ang schedule kaya nga palagi ko nang dala ang gitara ng pinsan ko matutulungan ako nitong umiwas muna sa mga nakasanayang gawain ko. Nag work naman sa palagay ko nalalaman narin ni April na gusto ko siya salamat sa mga klasmeyt ko na kinailangan pang tumulong sakin may maganda rin palang naidulot ang pagsama ko sa kanila hindi ako nahihiya pero natatawa ako sa tuwing sasabihin nila "Si Angelo umiibig." Ngayon ang kinahihiyaan ko naman ay palaging pagka-huli sakin ni April na nakatingn sa kaniya.    

Hindi ko maalala kung papaano ba napunta sa notebook ko ang number niya hindi ko na alam kung sino ang nagbigay o kanino ko kinuha ang alam ko lang ay 'di mismong kay April, siguro dahil narin sa sobrang paka excite na makauwi at itext siya. Hindi paman nakakapag bihis ay naipuslit ko na ang Nokia 3310 agad kong isinave ang number niya sa pangalang Crush.

"Ikaw ang magtetext ikaw ang magpaload." Banat sa akin ni erpats.

Para akong ewan hanggang ala una ay hinihintay ko ang reply ni April hindi ko na naisauli ang cellphone at tulog narin si papa. Siguro katulad ko ay hindi rin si April ang may hawak ng CP kaya hindi siya makapag reply, tama hindi ko naman siya nakikitang may hawak na cellphone o nagtetext.

"Hindi parin kayo?" Sermon sakin ni Richard na nanlibre pa sa akin ng softdrinks sa tambayan para mapagusapan kung ano ang problema ko. Halos lahat sila gustong makatulong sakin kahit kengkoy ang payo ng iba masaya akong kasama sila.

"Gelo yosi." Alok niya sakin.

"Ayoko sige ikaw nalang muna" Sagot ko.

"Hindi pa kayo pero nagiging Good Boy ka na ah?"

"Baka pag tumagaltagal 'di kana sumama samin Girlfriend mo nalang ang inaalala mo?"

Hindi tumagal nagkatotoo nga ang sinabi ni Richard naging kami ni April at naging loyal as it has to be ako sa kaniya kahit maiksing oras lang' bawat gabi na kasama ko siya ang pinaka masasayang gabi na naisulat sa magiging libro ng talambuhay ko. ginawa ko lahat para mapanatili at maingatan ang relasyon na matagal ko nang pinapangarap pero "Nothing is perfect" ika nga madudungisan parin ang relasyon namin ng Break Up at pagtatampuhan. Dumating na sa point na tinawag nila akong under dahil lagi nalang akong sunod sa gusto ng girlfriend ko hindi naman nila ako masisisi dahil mahal ko si April at alam ko naman na para sa ikabubuti ko rin ang dahilan kung bakit siya nagiging mahigpit sa akin.

Hindi ko inakala na darating ang araw na ito magsasawa din pala ako, hindi kay April kundi sa katotohanan na hindi ko na magawa ang mga nakasanayan ko nang gawin. Mga bagay na minsan nang nagpasaya sa akin. Masama ba ako dahil bigla nalang nagbago ang nararamdaman ko sa kaniya? O kasalanan niya dahil binago lang ito ng katotohanan na hindi niya matanggap kung sino ang totoong ako at kailangan pa niyang ibahin 'yon?

Hindi na mahalaga kung ano ba ang tamang sagot, heto ako ngayon dala ang gitara kasama ang tropa. Napapangiti parin tuwing si Mhie ang mapaguusapan.


Iyo bang naibigan kaibigan? Share mo na! :)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento


All rights reserved Kwentista Blog


for concerns mail @ aldrinespiritu29@gmail.com

DO NOT COPY!

Protected by Copyscape Plagiarism Finder

This Blog is best viewed on Google Chrome.

Blog Widget by LinkWithin